Quantcast
Channel:
Viewing all articles
Browse latest Browse all 26

two months

$
0
0
"Pag pumintig ang puso, mapipigilan mo ba? Pero pag tumigil ang puso, magigising mo pa ba? Hindi ko namalayang ang puso ko'y nasa ICU na. Nauulinigan at nakikilala ko na lang ang limang boses sa dagat ng mga boses na umaagos sa kwarto nung araw na yoon. Malamig ang pakiramdam, tila ba'y gusto ko nang ipikit ang mga mata ng aking puso upang bigyan ito ng kapahingahan. Matagal na ring pabago-bago ang bilis ng tibok nito, at sa tinagal-tagal na nga nang panaho'y hindi na namalayang numinipis na ito at humihina. Ramdam mo na bawat tibok nito'y parang tadyak sa lulod at hambalos sa iyong sakong. Nabobosesan ko na lang ang kakaunti, ngunit malinaw ang sigaw nilang "huwag kang bibitaw, hawak ka namin." Hindi ko mawaring hawak nila ako pagkat di ko madama ang pisikal na yakap at hawak nila sa akin. Kabilang sa isa sa mga nabobosesan ko ang isang babaeng animo'y bigla na lang akong kinurot ng malumanay at bigla akong sinampal habang ako'y nakahiga sa palibot ng maraming anino. Noon kong muli n...

Viewing all articles
Browse latest Browse all 26

Latest Images

Trending Articles





Latest Images